Friday, May 22, 2009

Tadhana - Chapter 3

Five minutes to 7 am nang dumating si Andrea sa kanilang opisina- ang VISIONARY Productions. Isa itong independent tv network na umeere sa cable tv.Ilan sa programang pinoproduce nito ang "HUKAY" na tumatalakay at nagiimbistiga ng mga kuwentong makababalaghan. Isa si Andrea sa mga writers dito.

"Mang Tom gising na po... Ako na ang makakasama nyo hindi na si Suzette"

" Oo nga daw..." pupungas pungas pa ng mata si Mang Tom.

Makikita ni Andrea ang note na naglalaman ng detalye tungkol sa coverage nila. Kukunin nya iyun at babasahin. Nakasulat naman sa whiteboard ang pangalang ng crew na makakasama nya.

Haunted Mountain story:
Writer: Suzette
Cameraman: Troy
Driver: Tom


Hindi nya kilala ang cameraman na nakalista.

"Sino naman itong si Troy? bagong cameraman?" agad nitong tanong kay Mang Tom na papalabas na sa silid.

"Hindi ko rin kilala yan mam eh, hindi daw kasi pwede si Max may labas daw sa kabilang programa. Kaya naghanap sila Mam Eliza kahapon ng sasalo..." agad na tugon ni Mang TOm.

" Pareho pala kaming taga-salo" nangingiting sagot ni Andrea
"Andito na ba sya? Alas- siyete na ah"

"Sisilipin ko mam sa labas. Ihahanda ko na din ang sasakyan."

"Okay" mauupo muna si Andrea habang binabasa ang iba pang detalyeng nakasulat sa papel."

Isang oras na ang lumipas pero di pa rin dumadating ang cameraman.

" Hay naku ha, isang oras na!" naiinis na sabi ng dalaga. "Mang Tom, kakain lang muna ako ha... pag dumating yung Troy text mo na lang ako."

Pagkabukas ni Andrea ng pinto saktong pabukas rin ng pinto si Mitchie.

"Good Morning Miss Andy" agad na bati nito sa kanya.

"Wala pa yung cameraman ko Mitchie... late na kami" bungad ni Andrea sa kaharap.

"Naku ganun ba... wait lang po tatawagan ko" Nagmamadaling tinungo nito ang desk saka dumial sa phone.

"Hello Goodmorning May I speak with Troy Ibanez?"

Mananataling nakatayo sa may pinto si Andrea habang nakikinig kay Mitchie.

"Ah ganun po ba? Okay sige po... thanks!" saka nito ibaba ang receiver.

"Ms. Andy nakaalis na daw po si kuya Troy..."

"San pa ba galing yun? Bakit naman ang tagal."

"Sinong matagal?" sabi ng boses sa likod ni Andrea. Si ELiza iyun. Ang Associate producer ng programa.

"O bat ang aga mo?" Agad na tanong ni Andrea sa boss friend nya.

"Hindi pa kaya ako umuuwi. Rumaket kasi ako sa isang programa. Kanina lang kami natapos magedit ng for airing mamaya." Titingnan nito ang oras.
"O teka tanghali na bakit andito ka pa?"

" Hay naku, tanungin mo kaya yung cameraman. 'Ala pa din kaya. Isang oras na ako dito noh!"

"Tawagan mo nga Mitchie, ano bang nangyari sa lalaking yun."

"Tapos na mam, nakaalis na daw eh"

"Dun mismo sa cp mo tawagan... ano bang number nun?"

Iaabot ni Mitchie ang record book. " Wala po syang binigay na cp number eh"

"Bakit di mo hiningi?"

"Hay naku, kakain na muna ako, text nyo lang ako pag andyan na okey?"

Bubuksan na ni Andrea ang pinto nang saktong binuksan din iyun ng isang lalaki sa porma pa lang ay aakalain mong myembro ng isang rock band.

Matangkad iyun kung kayat mapapatingala si Andrea...

"Ikaw na ba yan?" unang nabigkas nito

"Oo ako na nga... ikaw na rin ba yan?" pabirong ganti nito sa tanong ng kaharap.

Makikita ni Andrea na may dalang camera ang lalaki. "Hay naku, bakit naman po kayo late... Ala syete ang pull out ah!"

"Eh kasi..."

"Oy Troy nambabae ka na naman kagabi ano?" salubong naman ni ELiza sa kanya pagkapasok na pagkapasok nito.

" Si mam naman... hindi naman ako ganun."

"O eh bakit ngayon ka lang? PInaghihintay mo writer mo alas siyete pulawt nyo ah"

"Sorry naman mam..." pacute na tugon ng lalaki.

"Mitchie pakitawagan mo naman yung contact natin para malamang male-late lang kamo tayo"

"Tapos na miss Andy, okay lang daw maghihintay daw sila"

"Naks, yan ang gusto ko sayo eh! Thanks!" ibabaling naman ni Andrea ang tingin sa dalwang makakasama "O tara na... magti-take out na lang ako on the way..."


Pagdating sa sasakyan iaabot ni Andrea ang note kay Mang tom.

"Pakitingnan na lang ang address dyan Mang Tom. Iidlip lang ako"

Sa likod pupwesto si Andrea habang sa tabi naman ni Mang Tom umupo si Troy.

"Eh Mam Suzette, I believe we arent formally introduced... Im Troy" iaabot nito ang kamay para makipag-shake hand.

"Hindi ako si Suzette,pinasalo lang din sa akin tong coverage nito pero maaga akong dumating" sarkastikong tugon ng dalaga.

"Sorry na mam... di ba dapat maganda ang rapport nating dalawa dahil tayong dalawa rin ang bubuo ng storyang ito? Ikaw sa script at ako sa visuals? Eh pano natin mapapganda kung..."

"okay Fine... ako si Andrea, hello Troy nice meeting you. Now can I have my peace? Gusto ko lang munang matulog okay lang ba sayo yun Troy?"

"Ayan ka na naman..." kakalabitin ni Troy si Tom. "Ganyan ba talaga kasungit itong si mam?" Ngingiti lang si TOm pero hindi nito aalisin ang paningin sa daanan.

"Bahala ka sige, kapag ganyang masungit ang writer ko hindi magiging maganda ang visuals ng story..."

"Ganun?" mataray ang tono ni Andrea "Baka naman kasi di ka talaga magaling kaya mina-mindset mo na ako sa magiging resulta ng mga shots mo."

"Bahala ka... kapag patuloy kang magmamasungit ikaw din" patuloy na pangaasar ni Troy.

"Hmph, talagang akong bahala."

"o-keyy..." nakangiting tugon ni Troy pero sa tonong nangungutya.

Isusuot ni Andrea ang earphone ng kanyang celphone at papatugtugin ang mp3 nito. Sabay irap nito sa nakatinging si Troy. Saka nito ipipkit ang kanyang mata habang nakasandal ang ulo sa gilid ng bintana ng sasakyan.

Tadhana - Chapter 2

Kakarating lang ni Andrea sa apartment nito.

Agad itong hihilata sa kama. Ilang sandali lang ay biglang magri-ring ang kanyang celphone. Mababaling mula sa kisami papuntang wall clock ang kanyang mata. Mag aalas nueve na ng gabi. Aabutin nito sa mula sa kanyang tagiliran ang bag nyang kinalalagyan ng kanyang cp.

"Hello Andy..."
Bungad ng boses sa kabilang linya.

"Oh Suzette, napatawag ka."

"Andy I have a big favor... nasa hospital kasi ako ngayon..."

Mapapabangon sa kinahihigaan si Andrea pagkarinig sa sinabi ng kausap

"Bakit anong nangyari sayo?"

"Inatake kasi ng Highblood si Mommy... inadmit sya ngayon eh... Favor naman...
Pwede mo bang saluhin ang coverage ko bukas? Maaga kasi ang lakad ko out of town pa."

"Ahh... ganun ba..." may pagaalangan sa tono ni Andrea

"Please Andy... babawi ako once na umokey na si Mommy... please..." naiiyak ang boses nito.

"Anong oras ba pull-out bukas?"

"7 am... sa Quezon... tungkol sa mysterious disappearance ng mountaineers na umaakyat dun." agad nitong tugon. Maririnig sa background ang boses na tinatawag ang pangalan ni Suzette.
" Kunin mo na lang sa whiteboard sa office ang complete details ng story pati ang location nito. PInost na dun ni Jinky." nagmamadaling sabi ni Suzette.
"Oh sige ... sige..." agad na tugon ni Andrea

"Thank you talaga Andy... sobra... I have to go..."

Muling hihiga ng patihaya si Andrea hababg nakaspread out ang mga kamay sa kama.
" Haaayyy..." tanging nasabi nito.

Tititig ito sa kisame.
"Sige na nga lang... maigi na rin yun para madivert muna pansamantala ang isip ko habang wala pa si Bob." sinabi na lang nito sa sarili.

Ilang saglit pay nagsisimula nang mamungay ang mata nito... pero biglang magigising nang maalalang di pa ito nakakapaghigas ng katawan.

Tatayo ito para kumuha ng damit saka pumasok sa banyo.

Wednesday, May 13, 2009

Tadhana - Chapter 1

Sa loob ng isang silid, makikitang may isang babaeng nakaupo sa harap ng computer. Matagal itong nakatitig sa monitor...
habang mariring sa background ang tumutogtog na love song.
Ilang saglit pa sisimulan na nitong magsulat...

“Have you ever met someone that gave you second thoughts on the person you thought you’d like to spend your whole life with? And somehow made you feel like maybe… just maybe he’s the one…
I did …and this is how one fateful day changed my so-called destiny…”


FLASHBACK

Maririnig sa di kalayuan ang ugong ng papalapag na eroplano.

Isang kotse ang paparada sa harap ng departure area ng AIRPORT. Bababa mula rito ang isang lalaki. Bubuksan nito ang pinto sa passenger side. Lalabas si Andrea na nagpapahid pa ng luha. Agad nitong yayakapin ang kasintahang si Bob.

"Kasi naman eh... bakit ngayon pa... three days na lang anniversary na natin... bakit di ka na lang kasi tumanggi" malambing pero may kasamang pagtatampo ang himig ng boses ng dalaga.

Mangingiti ang binata. Marahan nitong hahaplusin ang pisngi ng kasintahan.

"Babe, napagusapan na natin ito diba? Kailangan kong magpakitang gilas sa mga boss. Kailangan maipakita ko sa kanilang hindi sila nagkamali sa pagpromote sa akin."

Kukunin ni Bob ang bag nya sa loob ng kotse. Saka nito hahawakan ang kamay ni Andrea.

"Pagbalik ko gusto kong mag-leave ka from work we'll go out of town to celebrate our seventh anniversary okay?"

Hahalikan nito sa noo, sa ilong at sa labi ang dalaga.

"Promise I'll make it up to you when I get back"

Wala nang magawa si Andrea kundi ang tumango na lang.

" I love you Bob... I'll miss you.. sobra..."

mariing halik ang idadampi nito sa mga labi ni Bob.

"Please promise you'll think of me always..." pahabol pa nito

"I promise..."

Mapapansin ni Bob ang papalapit na gwardiya.

"O sige na babe, I have to go. Andyan na yung gwardiya."
Iaabot ni Bob ang susi ng kotse kay Andrea.

"Ingat sa pagda-drive ha. I'll call you as soon as I arrive in Tokyo."

"Ingat ka din... Miss you na...."

Di muna sasakay ng kotse si Andrea. Ihahatid nya muna sa kanyang paningin ang papalayong kasintahan.

Tadhana

Title: Tadhana

Storyline ni: Joanne Quirante-Escober

Isang manunulat si Andrea (Angelica) sa isang thematic magazine na pinangalanang “HUKAY” na tumatalakay sa mga kakaibang kaganapang binabalutan ng misteryong mahirap ipaliwanag. Pero para sa gabing ito- ibang misteryo ang pilit na dinidikta ng kanyang isip sa kanyang mga daliri- ang misteryo ng pag-ibig. Magsisimula itong mag-type sa computer:

Have you ever met someone that gave you second thoughts on the person you thought you’d like to spend your whole life with? And somehow made you feel like maybe… just maybe he’s the one…

I did …and this is how one fateful day changed my so-called destiny…”

FLASHBACK

Tatlong araw bago ang seventh anniversary ng maglive-in partner na sina Bob at Andrea nang biglang pinadala si Bob ng pinagtatrabahuang kumpanya sa Taiwan para sa isang week-long convention. Masama man ang loob ni Andrea dahil ramdam nyang ito na ang hinihintay nyang pagkakataon na baka yayayain na sya sa kasal ni Bob ay wala itong magawa dahil kakapromote lamang ng kanyang kasintahan at kailangan nitong magpakitang gilas.

Mabuti na lang hindi na sya nagkaroon ng oras para magdrama dahil makakatanggap ito ng tawag sa opisina na ipinapasalo sa kanya ang assignment ng isa sa kanilang writers na tungkol sa isang bundok sa Quezon na tila nagbubuwis ng buhay.

Dumating sa itinakdang oras si Andrea pero pero pinaghintay naman sya ng tatlong oras ng kanilang bagong photographer na si Troy (john Lloyd)bago ito dumating. Idadahilan nitong galling ito sa lamayan pero sa totoo lang ay napuyat ito sa pambababae sa isang suking bar sa Quezon city.

Pagkadating sa Quezon ay dadaaan muna ang dalawa sa base camp ng mga mountaineers kung saan isasagawa nila ang interview tungkol sa nagaganap ng kababalaghan.

Kasama ang dalawa pang mountaineers buong tapang na aakyatin nila Andrea at Troy ang pinangingilagang bundok sa pag-aakalang isang simpleng urban legend lang ang kanilang kakaharapin pero di nila akalaing sila mismo’y magiging saksi at biktima sa isang mala-halimaw na baboy damong may tatlong taon na ding nambibiktima sa naturang bundok. Kapwa inakala ng dalawang yun na ang wakas ng kani-kanilang buhay. Pero nang sila’y ma-rescue – ang pangyayaring iyun pala ang simula ng panibagong chapter ng pinagtagpo nilang mundo.

Matapos magpagaling sa hospital ay balik na sa kanya-kanyang realidad ang dalawa- Si Andrea kay Bob at si

Troy sa pagiging buhay binata. Pero may mararamdaman ang dalawa- bakit parang may kulang?

Ang dating Troy na pabling at binatang ama’y parang gusto nang lumagay sa tahimik at bigyan ng ina ang anak na si Jake.

At ang Andreang dating inaasam ang araw na siya’y yayayaing pakasal ni Bob ay tila mas excited na ngayon sa mga pagkakataong magkakasama sila ni Troy.

Pero dahil alam ni Andreang mali ang knayang nararamdaman kusa nitong pipigilan ang kanyang damdamin. Taliwas naman ito sa nararamdaman ni Troy. Pakiramdam nya’y sya ang lalaking itinakda para kay Andrea dahil sa tingin nya’y hindi pinahahalagahan ni Bob ang dalaga kung kaya’t pinaabot nito ng pitong taon ang kanilang pagsasama ng hindi nagpapakasal.

Kahit na anong iwas ni Andrea, pursigido pa rin si Troy hanggang sa tuluyan na nitong naisantabi ang dahilan ng pagpipigil ng kanyang nararamdaman para sa binata.

Hanggang sa dumating na ang pagkakataong minsang inaasam ni Andrea- na ngayo’y pinangingilagan na - ang yayain sya ni Bob magpakasal. At habang tinatanong ang mga katagang “Will you marry me?” ay isusuot nya na rin ang diamond ring sa daliri ni Andrea. Pilit mang magkunwari’y hindi na naitago ni Andrea ang pag-aalangan sa pagtanggap ng alok ng kasintahan mahahalata iyun ni Bob.

Maluluha ang binata at ipapaalala kay Andrea ang isang insidenteng nangyari noon sa kanila… ang panahon kung saan itinakwil si Andrea ng kanyang mga kaibigan at magulang dahil sa pakikipagtanan nito sa noo’y mahirap lang na si Bob.

Ang pagtitiwala at pagmamahal na iyun ni Andrea raw ang siya nyang pinanghawakan para patunayan sa lahat ng mga kumutya sa kanilang hindi nagkamali ang dalaga sa pagpili sa kanya. Dahil patutunayan nyang magiging maganda ang kanilang buhya at hinding hindi makakaranas ng hirap ang kanilang magiging mga anak. Kung kaya’t nagsumikap ito’t nag-ipon bilang paghahanda sa araw na maari nyan na yayaing magpakasal si Andrea. Pero masyado pala syang natagalan - sa kakaisip nya ng bukas, napabayaan nya ang kasalukuyan.

Pagkarinig ni Andrea sa mga sinabi ni Bob ay muling pumaibabaw ang pagmamahal na inakala nyang tuluyan ng natabunan. Magpapasya si Andreang lumayo na ng tuluyan sa binata at sinimulan nya iyun sa pagbitiw sa trabaho, pero hindi sya papayagan ng kanilang head editor at malapit rin nyang kaibigan na si Eliza. Papayagan lang nya itong mag- indefinite leave.

Pero hindi iyun matatanggap ni Troy- tutunguhin nya ang apartment nila Andrea para kausapin. Iyun ang unang pagkakataong magkakaharap ang dalawang lalaki sa buhay ni Andrea. Mainit si Troy, kalmado si Bob pero kahit sino mang mabait ay nauubusan din ng pasensya sa pursigidong si Troy kaya’t nauwi sa suntukan ang dalawa. Ganun pa man, hindi magpapatinang si Andrea.

Dahil dito magpapakalunod sa alak si Troy. Pagkauwi’y matatauhan ito ng malamang ilang araw ng hindi nakakapasok ang anak na si Jake dahil may dengue ito. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Troy. Sa sobrang pagiintindi nya sa relasyon nila ni Andrea, napabayaan nya ang kanyang anak. Kaya’t ipapangako nito sa sariling ipa-prioritize na ang kanyang anak.

Hanggang sa muli silang nagkita ni Andrea nang pumunta ito sa opisina para idistribute ang wedding invitation card. Bibigyan nya rin si Troy pero may kasama iyong sulat. Nilalaman nun ang itinatagong damdamin ni Andrea – humihingi iyun ng tawad at aaming minamahal pa rin sya nito pero kailangan nyang magdesisyon. Sasabihin pa nitong maaring dumating lang si Troy sa buhay nya bilang isang pagsubok para sukatin ang tibay ng pagmamahalan nila ni Bob. Pero hindi daw nito madadaya ang sarili dahil nasasaktan din sya sa kanyang paglayo. Pero buo na raw ang desisyon nito at kaya daw nya ginawa ang liham na ito’y para magpaalam at sabihin ang katagang I love you sa huling pagkakataon.

Muling gugulo ang isip ni Troy at magpapakalasing sa suki nitong bar. Pero hindi nito inaakalang may nag-aabang pala sa kanyang panganib dahil may isang lalaking nagngingit sa kanya dahil sya ang itinuturong ama ng nabuntis na girlfriend nito. Sa sobrang kalasingan hindi na ito makalaban hanggang sa masaksak si Troy sa dibdib gamit ang isang ice pick.

Galing ng restaurant sina Bob at Andrea ng gabing iyun. Matatrapik sila dahil sa mga nakaparadang ambulansya, mobile ng pulis at media van sa harap ng isang kilalang bar sa Quezon city na dinagdagan pa ng mga taong nag-uusyoso. Makakasalubong pa nila ang ambulansyang naghatid kay Troy sa morgue. Kinagabihan mapapanaginipan pa ni Andrea si Troy- ang hindi nya alam iyun na pala ang huli nitong pagpapaalam.

Hanggang sa malaman ni Andrea mula kay Eliza ang mapait na sinapit ni Troy- Biglang parang nagrewind ang pangayayari sa isip na Andrea at huminto lang sa panahon nang una nitong nasilayan ang mukha ng binata. Ganun na lang ang paghihinagpis ni Andrea nang malamang patay na si Troy- na kahit sa harap ni Bob ay hindi na nito nakayanang itago ang sakit na nararamdaman. Maging sa kanilang pag-uusap, hindi rin nito sinasadyang mababanggit ang pangalan ni Troy kahit na si Bob ang kanyang tinutukoy. Magdudulot iyun ng matinding sakit kay Bob. Kaya’t sya na mismo ang lumayo para hindi na matuloy ang kasal. Dito nya maiisip na mas mahal ni Andrea si Troy at isang pagtanaw ng utang na loob lang ang dahilan ng pagpapakasal nito sa kanya.

Sa dapat sanay araw ng kasal nila ni Bob, matatagpuan ni Andrea ang sarili sa harap ng puntod ni Troy. Nagtatanong kung ito nga ba ang nakatadhana para sa kanya? Kung ano-ano ang maiisip ng dalaga maging ang pagkitil ng sariling buhay. Pero maiisip nitong tila hindi tadhana ang dahilan ng kanilang kinahihinatnan kundi epekto ito ng mga desisyong kanilang isinagawa. Kaya maiisip nitong hindi nya tadhanag mamatay at sya ang may hawak ng kanyang buhay.

(end of flashback)

Matapos ang ilang realizations nito sa buhay naisip ni Andrea isulat ang kanyang saloobin.

At sa pagpapatuloy ng kanyang isinulat wawakasan nya sa ganitong kaisipan ang kanyang manuscript.

Maybe there is no such thing as fate…

And there really is no deeper reason why things happen…

Like meeting people who we thought of as our destiny…

Maybe everything is just a mere result of our decisions and actions-

A maze of doors where we meet people at random.

For what is destiny but a word added to the vastness of our blurred consequences

that we oftentimes fear to face.

Perhaps it’s just an empty cup waiting to be filled…

Ilang buwan ang nakalipas sa tulong na rin ng mga kaibigan sa kanilang kumpanya ay maililimbag ang kauna-unahang libro ni Andrea ang “Of Love and Destiny”.

Makakatanggap ng sulat si Andrea na nagsasaad ng pagpaparangal sa kanya dahil sa dami ng kopyang naibenta ng kanyang libro. Kasama ang malalapit na kaibigan at kasama sa trabaho magkakaroon sila ng pagtitipon at kasiyahan sa opisina.

Pero matapos ang selebrasyon, at maiiwan na naming mag-isa si Andrea, di pa rin nito maiwasan ang malungkot dahil wala na ang mga taong nais nyang pag-alayan ng kanyang tagumpay.

Hanggang sa isang katok ang maririnig ni Andrea. Si Bob iyun. Isa sya sa mga bumili at nakabasa ng libro. Maluha-luha iyong hihingi ng patawad at isa pang pagkakataon kay Andrea. Pero hindi kikibo ang dalaga. May kukunin ito sa drawer – ang diamond ring. Sasabihin nya kay Bob na isuot iyun sa kanyang daliri. Habang sinusuot iyun Bob sa kanyang daliri ipapaalala ni Andrea na meron itong tanong nung gabing una nyang isiinuot ang singsing sa kanya.

“Will you marry me?” nangingiting tanong ni Bob.

“Oo,” buong pusong sagot ni Andrea “ikaw pa rin ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa aking pagtanda.”

Mahigpit na magyayakap ang dalawa. Hindi man siguradong naghilom na ang sugat, handa na silang suunging muli ang daang minsan nilang tinahak. Panibago mang chapter iyun sa kanilang buhay pero ngayon alam na nilang hanggat pipiliin nilang maging tapat sa kanilang mga pangako, mananatiling SILA ang magiging tadhana ng isat isa.…

The end


Tuesday, January 6, 2009

Chapter 3 First Encounter

"Andito na'ko!!!!" bungad ni Eileen sa kausap nito sa telepono.

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeee" sagot naman ni Inah pagkarinig sa boses ng matalik na kaibigan.
"Pupunta ako dyan ngayon nah!!!!" yun lang at mabilis na nitong ibinaba ang telepono.

Nakangiting tatayo si Eileen para salubungin ang kaibigan sa harap ng kanilang bahay.
Dalawang kanto lamang naman kasi ang layo ng bahay ni Inah sa kanila.

Ilang sandali pa'y matatanaw na nito ang kaibigan na abot tenga ang ngiti habang nagmamadaling maglakad patungo sa kanya.

"Oh my gosh! You havent changed a bit! Beautiful as always... lalo ka pa atang sumexy sis! Pa hug nga!"
Mariing magyayakapan ang dalawa.

"Tara na!" hihilahin ni Eileen papalayo ng bahay ang kaibigan.

"O san tayo pupunta?"

"Magmemeryenda. Treat ko!"

"Ay! Type! " mabilis itong aankla sa braso ni Eileen.

Patuloy na magkukwentuhan ang magkaibigan habang naglalakad patungo sa abangan ng sasakyan.

Isang jeep ang papara sa harap nila. Papasakay na sila nang makasalubong nila pababa mula sa Jeep na iyun si Colleen.
Manlalaki ang mata ni Colleen nang magkasalubong ang paningin nila ni Eileen napapasakay naman ng jeep. Hindi ito makakakibo habang patuloy itong bumababa ng jeep.

Susundan ni Eileen ng tingin si Colleen habang patawid iyun ng kalsada. Pareho silang natahimik ni Inah. Pero di na pinatagal ni Eileen ang awkward silence na iyun.

"May dumaang anghel..." biro agad nito
"Anghel ka dyan. Demonyita kamo." pabulong na sagot ni Inah habang nakataas ang kilay.
"Puso mo sis! "
Parehong mahahagikgikan ang dalawa.

----------

Pagkarating na pagkarating sa bahay maabutan ni Colleen na nakabihis na si Jerry.

"O bihis na bihis ka ah. Amoy na amoy ko pabango mo sa labas pa lang ng bahay."

"Mommy!!!" bungad ng limang taong gulang nilang anak na si Collette. Yayakap iyun sa kanya.

Hihilahin naman ng dalawang taong gulang na si Jersey ang laylayan ng kanyang palda. Nagpapakarga iyun sa kanya.

Kakaragahin naman ni Colleen ang bunsong anak.

"Mommy yung chocolate na promise mo." tanong ni Collette.

" Naku anak, nalimot ko bumili. Next time na lang ha." sagot ni Colleen nang hindi inaalis ang tingin kay Jerry na nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.

"Mama chokweyt ko?"

"Buti andito ka na. Late na ako." hahalik sa pisngi ni Colleen si Jerry

"Saan ka na naman ba pupunta?"

"Di ba nga ako ang pinapasundo ni Tito kina Mang Pascual sa airport? Sayang din yun ibabayad sa akin dun."

"Bakit ba kasi ikaw pa!" ilalapag ni Colleen si Jersey.

"Ano ka ba naman Colleen! Pinag-usapan na natin to di ba?" Didiretso na sa pinto si Jerry.

"Sayang ang kita. Malay mo sa katandaan ni Tito, sa akin nya ipamana ang taxi nya. Puro naman kasi tamad mga anak nya."

Papalapitin ni Jerry ang mga anak para mag-goodbye kiss.

"Sige na anong oras na. Colleen ha, wag mong iiwanan yang mga bata baka mamaya mangapitbahay ka na naman." saka nito isinara ang pinto pagkalabas nya.

Di na nakakibo si Colleen. Maluha-luha ang mata nito...

"Mommy bakit ka umiiyak?" tanong ni Collette.

Bigla naman lalapit si Jersey para gitgitin ang ate nya pagkakitang nakakandong iyun sa kanyang ina.
"Mama kooooo!" mariin nitong yayakapin ang mommy nya.

"Ang sama mo! Mommy ko din yan!" Yayakap din si Collette.

"Pwede ba wag kayong magulo!!!" inis na sabi ni Colleen.

"Nakikipagtagpo na sa ibang babae daddy nyo! Alam nyo ba yun!!!!" tatayo si Colleen at padabog na papasok ng kwarto.

Iiyak si Jersey.
"Ayan tuloy nagalit si Mommy! Ikaw kasi eh!!! Mang-aagaw! " sigaw naman ni Collette.


itutuloy...

Monday, January 5, 2009

Chapter 2 Balik-tanaw

"Plaaakkk!"
Biglang matatahimik ang mga tao sa bahaging iyun ng department store.
Manlalaki ang mga mata ni Eileen sa hiya.

"Oh my gosh oh my gosh oh my gosh" paulit ulit nitong sambit habang pinupulot ang nabasag na glass face ng mamahaling wall clock.

Tutulungan sya nina Jerry, Colleen at Inah.

Lalapit ang isa sa mga store clerk "Anong nangyari...?"

HIndi makakibo si Eileen. Lalo pa itong nanigas nang makita ang presyo ng wall clock
" Two thousand one hundred!!! Naku, kulang pa nga itong dala kong pera!"

"Naku Miss, hindi ko na problema yun! Nabasag mo yan, considered sold na yan!" agad na bulalas ng isa pang sales lady na kalalapit lang.

"Naku ate Ei, pano yan? " nagaalalang sabi ni Colleen.

"Pag-ambag amabagan na lang natin." mabilis namang sabi ni Inah habang kinukuha ang waalet sa kanyang bag."

"Hindi na ako na magbabayad." Maglalabas ng pera si Jerry at ibabayad sa sales lady.

"Sa counter na lang sir"

Susunod si Jerry sa sales lady matapos kunin ang wall clock kay eileen.

Tulala pa rin si Eileen. Di pa rin sya nakakaahon sa kahiya-hiyang moment na iyun.

"Ang bait talaga ni kuya Jerry! Ang mahal kaya nun!" bulalas ni Colleen.

"Buti na lang a-kinse ngayon! " pabirong sagot ni Inah " Araw ng sweldo!"


Magyayaya si Eileen papalabas ng department store.
"Tara dun na tayo sa labas maghintay..."

----------------------------------------------

"Bakit parang natigilan ka?" tanong ni Yvette sa kapatid

Tatayo si Eileen. Bahagyang ngingiti. Lalapitan ang kinalalagyan ng wall clock. Kukunin nya iyun at titingnan ang reflection ng kanyang mukha sa napalitan nang glass face nito. Pupunasan nya ang kakaunting alikabok nun.

"Hindi nyo pa rin pala ito pinapalitan?"

"Sayang naman. Ayos pa eh tsaka ang ganda pa rin kaya!" Lalapitan nito ang kapatid. Kukunin nya ang wall clock . "Bakit ayaw mo na ba nito? Palit na lang tayo! Akin na lang ito sayo ng mumurahin kong relo sa kwarto."

"Ano ka ba akin to noh!" natatawang sambit nito habang mabilis nya yung inagaw sa kapatid. Mabilis nitong isasabit iyun sa dingding.

"Hmph, sabi ko na nga bah, may feeling ka pa din sa kanya anoh!"

"Excuse me! May ALvin na ako noh! Tsaka hello? May asawa na yung tao. Kaya wag na nating syang pag-usapan. Pwede?"

Bibigyan ni Yvette ng "lokohin mo ang lelang mong panot" na tingin ang kapatid.

"Hay naku ate! Sige na iwan mo na nga muna ako para makapagbihis na ako!" itutulak nito palabas ng kwarto ang kapatid.

Tatawa si Yvette. "Ikaw ha! "

"Hehhh!" isasara ni Eileen ang pinto.

Lalalapit ito sa vanity mirror at titingnan ang sarili mula doon. Pero magagawi lang kanyang tingin sa reflection ng wall clock sa salamin.



itutuloy...

Chapter 1 Ang pagbabalik





"Sabihing mong hindi mo na ako mahal... hindi ako maniniwala!"


"HIndi na kita mahal!"

"Sinungaling ka!"

"Ikaw ang sinungaling!"

Parang kahapon lang nangyari ang sagutan na iyun. Maigting na maigting pa ang huling sandaling iyun ng kanilang pag-uusap ni Jerry sa ala-ala ni Eileen.

Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata

"Ikaw ang sinungaling Jer... " pabulong nitong sambit na para bang kaharap pa ang lalaking minsan nyang pinagukulan ng oras at pagmamahal.

"Miss, kakanan ho ba o kakaliwa?" tanong ng taxi driver.

Marerealize ni Eileen na nasa entrance na sila ng kanilang subdivision.

"Kumaliwa ka manong pakihinto na lang sa third house"

Pasimpleng papahiran ni Eileen ang mga namumungad na luha sa kanyang mga mata.

PAgkahinto ng taxi may grupo ng binatilyo ang nakaupo sa harapan ng bahay na kanilang hinintuan.

Tatayo mula doon sa Mico.

"Tita Eileen!!!" salubong agad ito sa kanyang favorite tita.

Gaganti rin ng yakap si Eileen sa excited na pamangkin.

Magsisitayuan rin ang mga binatilyong kasama ni Eric.

"Oh my gosh youve all grown up!" amazed na amazed si Eileen sa mga pamilyar na mukha ng mga binata. Nagsitangkaran na rin kasi ang mga iyun.

Lalabas mula sa gate si Yvette, ang nakakatatandang kapatid ni Eileen.

"Eileen!" bungad nito sa kapatid sabay yakap na rin.

Aayain agad nitong pumasok si Eileen sa loob ng bahay.

Di naman maiwasan ni Eileen ang ilibot ang mga mata sa nabagong ayos ng mismong bahay na naging saksi sa kanyang pagdadalaga.

"Grabe ate, ang laki na nga pinagkaiba ng house! Great Job! Matutuwa tiyak sila Mommy pag uwi nila next year!"

"Syempre naman! Kahit paano ginagamit ko pa rin pinag-aralan ko kahit di ko natapos no!"

"HOws my room?" excited na tanong ni Eileen sabay akyat sa sariling kwarto.

Bubuksan agad nito ang pinto.

"Wow!!!" parang bata itong uupo sa pamilyar na kama pero napapaligiran na ito ng bagong mga gamit at pintura.

"Grabe I'm so touched! Pa-hug naman!!!"

Lalapit si Yvette para i-hug ulit ang kapatid.

"Five years..." biglang nawala ang excitment sa mukha ni Eileen. Nalimutan bigla ang saabihin.

Susundan ni Yvette ng tingin ang nakakuha sa atensyon ng kapatid.


itutuloy.....